Monday, February 7, 2011

PHIL CRUZ (Radio Drama Talent)


Hindi matatawaran ang kakayahan ni Phil Cruz pagdating sa radio -acting. Dahil nagagampanan niya ng buong husay ang bawat karakter na ibinibigay sa kaniya. Hindi naman 'yon nakapagtataka dahil kapatid siya ng isa ring magaling na Drama Talent na si Bobby Cruz. Galing sila sa pamilya ng mga Radio Talent....dahil ang kanilang ama na si Tani Cruz ay isa ring batikang Radio Drama Talent at Direktor noon.


Katulad ng ibang Drama Talent....pinasok din ni Phil ang pagda-dub ng mga pelikula, Animation, Mexican at Korean novela. Nagiging talent din siya sa mga Teleserye at Pelikula.


Magaling si Phil sa mga eksenang iyakan o puno ng emosyon. Para sa akin may lalim siya kung gumanap dahil mararamdaman ng nakikinig ang bawat eksena. Mas madalas siyang maging bida o nasa lead role...dahil mas bagay sa kaniyang boses ang pagiging bida keysa kontrabida!


Mapapakinggan siya sa mga Drama ng DZRH! Kung saan may mga regular siyang Drama Program!

5 comments:

  1. tama po kayo ang galing nya umarte at ang ganda ng boses nya. lalo na pong gumaganda ang istorya na ginagampanan nya pag ang kapareha nya po sa drama ay si Ms Rosanna Villegas. favorite ko po silang dalawa.

    ReplyDelete
  2. Mahusay talaga sya mag drama sa radio. Ang boses walang kakupas kupas napakaganda.

    ReplyDelete
  3. Buhay PA ba si bobby cruz
    Yung brother nya

    ReplyDelete
  4. Tunay nga pong npakaganda ng boses ni Phil Cruz, siya po pinakapaborito sa lahat ng dzrh radio drama talent,ang sarap pakinggan ng boses niya,nakakaligaya sa damdamin.Mabuhay ka Phil Cruz ang galing mo,keep up the good work and God bless you!!!

    ReplyDelete
  5. 10 yrs old pa lang ako paborito ko na si Phil Cruz, sobrang galing. Lahat na roles kaya niya, mapa bata, binata, tatay,lolo, mabuting tao, masamang tao. lahat kaya niya . Kaano ano po ba si Eloisa Cruz Canlas?

    ReplyDelete