
Isa sa may pinakamagandang boses sa DZRH Radio Drama ay si Roberto “Bobby” Cruz. Buo ang kaniyang boses na totoong iba ang dating sa mga tagapakinig. Siya ay kapatid ni Phil Cruz na isa rin sa hinahangaan kong radio drama talent dahil sa kaniyang galing.
Masasabi kong nasa dugo na nila ang talento sa voice acting....dahil maging ang kanilang ama na Tani Cruz...dati ring magaling na radio drama talent at drama director.
Hindi lang sa radio drama ang pinagkakaabalahan ni Bobby...kundi maging ang paggawa ng mga radio commercials...ang pagda-dub ng mga anime. Isa sa anime na tumatak sa isip ko at litaw na litaw ang ganda at galing ng kaniyang boses ay ang “Dragonball” kung saan siya ang Narrator/ Voice Over nito.
Kahanga-hanga rin ang pagpapakuwela niya. Mula sa boses na lalaking lalaki at astig kung pakikinggan...magpapangiti naman ng nakikinig ang kaniyang pagganap bilang si Roma...ang baklang karakter niya sa Komedya-Satirika na “Ukay-ukay ni Manang Kikay” na mula sa panulat at Direksiyon ni Mr. Fundador Soriano.