Sunday, March 13, 2011

MIKE PEREZ (Radio Drama Talent)

Si Mike Perez nasa kanan, kasama niya ang iba
pang radio drama talents sina Phil Cruz, kaliwa
at si Ben Mercado, nasa likuran.

Si MIKE PEREZ ang nasa likod ng nakakatakot na halakhak at voice over sa into ng Drama Program na GABI NG LAGIM. Kakaiba ang kaniyang boses dahil buo ito na bagay na bagay para manakot! Sa aking pakikipag-usap sa kaniya siya rin pala ng gumanap sa karakter na TAGANI...isang Drama sa DZRH noong 80's na inspired sa Tarzan ng ibang bansa.



Nakakatuwa ang karakter niya bilang si Tagani...na aking kinagiliwan magkasunod sila ni Zimatar.



Madaling lapitan at mababang loob si Kuya Mike. Kahit noong nag-uumpisa pa lang ako sa DZRH...isa siya sa nakakakuwentuhan ko hindi lang sa tungkol sa drama kundi maging sa personal ding buhay.



Nahahawig ang laki ng kaniyang boses kay Ben David. Iyon nga lang magkaiba ng paraan ng paggamit nila ito. Bukod sa pagiging narrator ng Gabi ng Lagim, siya rin ang Narrator ng programang Hukumang Pantahanan na parehong umeere sa DZRH AM band. Gumanap din siya sa iba pang mga drama.



Kaya kapag narinig n'yo ang nakakatakot na voice over sa Gabi ng Lagim na mapapakinggan din sa entrance ng GAbi ng Lagim Horror House sa STAR CITY...siya si Mike Perez!

8 comments:

  1. I love Gabi ng Lagim! Thanks for posting this. May I also ask if you can post more pics of the drama group. Thanks!

    ReplyDelete
  2. nice blog...keeep it up!!!

    ReplyDelete
  3. bigay naman po kayo ng mp3 voice ng gabi ng lagim
    aasahan ko po ahhh.
    heroic_hardcore@yahoo.com

    ReplyDelete
  4. We'll miss you Kuya Mike. R.I.P.

    ReplyDelete
  5. One of a kind talent, mabuting kaibigan! ma-mi-mis Kita Kuya Mike

    ReplyDelete
  6. Paalam kuya mr. Mike perez!!" RIP

    ReplyDelete
  7. Good day po. Nais ko lang po sana malaman kung ano po ang pamagat ng background music nila sa Gabi Ng Lagim, un pong boses ng babae na ha aa aa aa ha, ha aa aa aa aa.. haa. (Parang may pagka-opera or dark choir). Salamat po.

    ReplyDelete
  8. Paalam sir mike perez! Kaya pala di ko na kayo naririnig sa DZRH.
    Maraming salamat po sa blog na ito naalala ko ko ang kabataan ko.

    ReplyDelete