Sunday, February 13, 2011

ITO ANG PALAD KO (Drama Program)


Mga nasa larawan , gawing likuran, Boboy Salonga (Musical Scorer), Eric Lucero (Recording Tech.), Nick De Guzman (Director/Talent), Leonel Benjamin, Jun Legaspi, Tony Angeles. Gawing unahan , Manny Salas (Soundman), Elba Abanco, Rossana Villegas at Vilma Borromeo

Ang Radio Drama Program na "ITO ANG PALAD KO" ang pinakamatagal na radio drama na hanggang ngayon ay patuloy na nasa himpapawid sa DZRH araw araw 1:30 -2:00 ng hapon. Taong 1973 ng una itong isahimpapawid kaya mahigit tatlong dekada na ang nasabing drama program. Kinatatampukan ito ng sari saring kuwentong tapos araw-araw na sumasalamin sa mga karanasan ng bawat tao...masaya, malungkot, puno ng dusa, pait at kabiguan. Nasa pamamahala ito ni G. Jun Soler (Virgilio Garcia Jr.) at ng kaniyang misis na si Raquel Monteza, na isang drama actress. Isa ako sa pinagkatiwalaang sumulat sa nasabing programa.

14 comments:

  1. Gusto ko ang ito ang palad ko...mula noon hanggang ngayon. >Jerry s.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mabuhay po kayo and More power to DZRH personnel!

      Delete
  2. naluluko po ako sa drama noong araw..halos nakikilala ko ang mga boses ng mga artista sa radio kahit mag boses bata sila o matanda...kaya nong napunta ako sa maynila binalak kong pumunta ng dzrh para lng makita sila nang personal kaya lang di ko sila nakita..ngayon ko lang sila nakita rito..maraming salamat sa yo..paborito ko si nick de guzman ..gandang ganda po ako sa boses nya

    ReplyDelete
  3. Mukhang artista tlga ang technician ninyo si Kuya E..

    ReplyDelete
  4. Anu po pala title ng theme song dati ng ito ang palad ko na kinanta ng jeremiah Ito ang palad ito ang palad handang dumamay laan para sayo..

    Ska yung theme song po ng sementadong gubat gusto ko po malaman.
    Ilan po sa paborito kong drama artist si Eloiza Cruz Canlaz , Bobby Cruz,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hinahanap ko din po yan. Yung theme song na yun. Sana mapakinggan pa natin.

      Delete
  5. Haha bata pa ko naririnig ko na yan at ang dzrh ang nag dala sa akin upang mangarap,,,sana wag mawwla ang dzrh drama na kinpupulutan ng aral sa buhay at mangarap ang mga gaya ko na lumaki sa bundok ,,,ngayon andito na ako sa maynila,,wala na po bang 24 oras ,,ang maynila,ang sementadong gubat ,,? Mga anak ni adan,,ben merkado 1985,1986 ,,1968 nakikinig na ako ,,pangarap ko ding maging radio artist kc ginagaya ko mga artista sa radyo na mga idol ko,

    ReplyDelete
  6. Parang ganito yung line up ng broadcast nila simula sa
    1. Naku ang buhay nga naman
    2. Mr.romantiko
    3. Matud nila
    4. Mata
    5. Balita
    6. Kapitan pinoy
    7. Kasaysayan sa mga liham ky tya dely
    8. Ang tangi kong pag ibig
    9. Ito ang palad ko
    10....diko na matandaan..
    11.Sementadong gubat....,
    Yan lang po naabot ng aking alaala..sa gabi negra bandida,si LAILA na mis kong character..at gabi ng lagim right after.



    Sana Negra Bandida ay makuha ng GMA7 Ang rights para mabigyang buhay ito..sana po..pang primetime slot din..ganda ng story..tulisan at mayayaman ang kalaban..with own hacienda...siguradong patok ito kahit malaki ang costing..thank you

    ReplyDelete
  7. Replies
    1. & kung may programa pa si mr. nick tuwing linggo na kung saan binanggit nya na siya mismo ang boses ni weng-weng. mabuhay ka sir nick

      Delete
  8. Hiiii,,,,i love you all,,,DZRH drama department,,,mahuhusay kayong lahat,,,#1fan from pamapanga,,,,

    ReplyDelete
  9. I hope one day makapag tour sa DZRH to relive some of my childhood moments spent listening to radio drama esp DZRH dramas. Only thought of it now. Sana may museum or something similar where you can listen to old recordings. I'll be fun. I'll bring my sisters with me.

    ReplyDelete
  10. Ahw, Elementary pa lang ako naririnig ko at inaabangan ko na sila, lalo na yung "Kapitan Pinoy" at "Sementadong Gubat", nakakamiss yung "Red, White and Blue, Stars over you, Nanay said, Tatay said I love You, Kapitang Pinoy", at yung drama sa Sementadong Gubat, di ko lang matandaan yung script, yung when you believe na soundtrack lang naalala ko, nakakamiiss talaga, ❤

    ReplyDelete