Ang Mr. Romantiko ay isang radio- drama program sa DZRH...na sa ngayon ay ini-ere tuwing ala una hanggang ala una y medya ng hapon...lunes hanggang Sabado. Isa itong love story...na ang bawat kasaysayan ay nilalakipan ng love song. Na sa dakong huli ng drama...ay naroon ang pagbabasa ng tula at pagbati mula sa mga listener at ito'y binabasa ni Mr. Romantiko. Para sa akin...pang Masa ang format ng programa. Isa ako sa pinagkatiwalaang sumulat ng mga kasaysayan dito. Marami rami na ring kasaysayan ang aking naisulat dito...dahil nag-umpisa akong maging writer nito noon pang 2001. Kasama kong writer din dito si Corazon Cruz De Jesus at Didith marasigan. Mula ito sa direction ng isa sa magaling at haligi ng radio drama sa Pilipinas...isa rin siyang character actress sa TV at pelikula...si Ms. Luz Fernandez na kung tawagin ng mga kaibigan at kakilala particular sa drama production ay "Ditse"
Pero...sino nga ba ang nasa likod ng malamig at makatang pagbabasa ng tula? Sino ba si Mr. Romantiko? Siya po si Mr. Salvador Royales...na siyang may concepto rin ng nasabing programa. Isa siyang magaling na writer sa radio at pelikula. Ayon sa kaniyang kuwento sa akin...siya ang kauna-unahang sumulat ng Maalala Mo Kaya sa ABS-CBN...na may pamagat na "Sapatos". Marami siyang isinulat na pelikula sa Seiko Films...at may mga Radio Drama rin siya na ginawang pelikula....isa sa natatandaan ko ang "Kailan Mahuhugasan ang Kasalanan" at "Kapag Langit Ang Humatol" na pinagbidahan ni Vilma Santos, na pawang naging block buster. Kaya hindi matatawaran ang angking talino ni Mr. Romantiko sa pagsusulat. Mula sa kaniya marami rin akong natutunan na ini-aapply ko ngayon sa aking pagsusulat sa radio drama. Kaya masasabi ko na mapalad ako na nakilala ko ang isang taong tulad niya.
pwede po malaman kung anu title ng background music ng MR.ROMANTIKO ang ganda po kc tlaga ng instrumental music na yun sana po mpagbigyan nyo ako maraming salamat po
ReplyDeleteLa decadanse
Deletepwede po bang malaman ung title or link kung paano madadownload ung background music ng mr. romantiko?
ReplyDeletemadamot mga yan, di naman sasabihin. yan ang pilipino, kaya walang asenso
ReplyDeleteGani...sana makita mo itong message ko. Wala akong makitang site na pwede kitang makontak. Anyway, sana makapunta ka sa Grand Reunion ng mga tagakomiks sa March 11, after lunch sa Atlas canteen sa 21st Ave, Murphy, QC.
ReplyDeleteat kung may access ka kay Arman t. Francisco, baka pwedeng maipaabot mo rin itong message ko ukol sa reunion, na sana ay makapunta rin siya. Sige, tnx. God bless!--- Nestor Malgapo
la decadance by paul mauriat ang title nyan.
ReplyDeleteThank you!
ReplyDeletehttp://beemp3.com/go_r.php?url=753955a503fea378eca58a6500b1aec5&file=1675670&scuk=9498340&sas=
ReplyDeleteclick that link i attached ok. thats the background music i think you look for
ako din gustong gusto ko yung instrumental background ng program na ito, salamat sa info (:
ReplyDeleteLa decadance - Paul Mauriat (now downloading)
LAlo na ako.IDOL ko yun simula nung bata pa ako.maraming salamat
ReplyDeleteSalamat sa nagbigay ng info at link sa music na gingamit sa mr. Romantiko...- ganie j.
ReplyDeleteMagandang araw po, ang ganda po ng programa n'yo. Talagang nakapagbibigay po ng aral at inspirasyon sa mga nakikinig. Idol ko po kayo..
ReplyDelete