Thursday, May 13, 2010

ELOISA CRUZ CANLAS (Lola Sela Bungangera)


Si Eloisa Cruz Canlas (Lola Sela) kasama si Susan Lemon

Bata pa ako’y isa na sa aking hinahangang radio talent at director si Eloisa Cruz Canlas....na mas kilala sa tawag na...LOLA SELA. Naikabit sa kaniya ang pangalang ito...dahil sa matagumpay niyang pag-portray sa nasabing karakter na ang mismong naka-isip ay si G. Fred Elizalde... president ng MBC.

Ayon sa aking pakikipagkuwentuhan kay Lola Sela....si Mr. Art De Guzman na ngayo’y Network Manager ng Net25 ang siyang nag-impluwensiya sa kaniya upang mahalin ang radio at nakatulong rin sa kung anumang kinaroroonan niya ngayon. Isa si Ka Art De Guzman ang humubog sa talent ni Lola Sela. Bukod kay Mr. De Guzman....si G. Robus Abellera na isang radio drama director, writer, at musical scorer ay ang isa pang tao na nagkaroon ng malaking bahagi sa pagiging mahusay niyang talent.

Marami ng mga radio drama ang kaniyang kinabilangan na hindi na mabilang. Subalit isa sa hindi malilimutan ay ang pagganap niya sa isang drama ng DZRH na totoong tumatak sa bawat isang nagmamahal sa radio...ito ang ZIMATAR na isinulat ni Ped Tiangco. Dahil siya ang gumaganap bilang ang batang si Zimatar...at siya rin ang gumaganap na Eng-Eng...ang naengkantong nanay ni Zimatar.

Isa rin si Lola Sela sa nakatulong sa akin para maging manunulat ako mga drana program ng DZRH. Binigyan niya ako ng pagkakataon...para makapagsulat sa comedy na “ Barangay Numero Uno” Kasabay noon ay ipinakilala niya ako kay Tiya Dely Magpayo...upang makapagsulat sa isa nitong programa.

Sa ngayon....aktibo pa rin siya sa mga drama ng DZRH....at isa sa idiniderihe niya ay ang radio drama na...DOLOROSA sa panulat ni Salvador Royales. Para sa kaalaman ng nakararami siya rin ang gumaganap sa karakter na batang si CANDY na siyang Narrator ng nasabing drama. Tunay na di matatawaran ang kakayahan ni Lola Sela.

Matulungin at madaling lapitan...iyon si Lola Sela. Handa siyang magbukas ng pinto para sa mga kabataang nangangarap.

Mayroon din siyang itinatag na learning center para sa mga nagnanais na matuto ng voice acting....ito ay ang Tanghalang Parisukat.


5 comments:

  1. wala pang kuryente noon sa baryo namin sa batangas nang umere ang Zimatar, bata pa ako noon at ni wala kaming transistor radio. Sa bahay ng pinsan ko ako nakikipakinig ng Zimatar.
    Wala kaming kamalay-malay, babae pala ang nasa likod ng boses ng bidang bata sa nasabing drama.
    at malay ko bang makakasama ko pa pala sa trabaho si Lola Sela (Eloisa Cruz Canlas).
    Nu'ng bagong dating ako sa DZRH, bumubulung-bulong siya palagi sa akin: Tiyaga lang... konting tiyaga.
    Tama ka. Isa siya sa maituturing nang haligi ng voice acting.

    ReplyDelete
  2. R.I.P Tita Eloisa Cruz Canlas =(

    ReplyDelete
  3. parte ng kabataan ko ang zimatar..maraming salamat po ms. eloisa cruz canlas..R.I.P.

    ReplyDelete
  4. SIYA AY KABILANG SA ORIGINAL CAST NG "SAILORMOON....

    BAHAGI NG AMING PAMILYA....

    AKING MENTOR AT 3 DEKADANG KASAMA...

    HINDI KA MAWAWALA SA AKING PUSO AT ALA ALA.....

    MARICHU LAV

    ReplyDelete