Ang radio dramang "ZIMATAR" ang pinakamatagumpay at pinakamatagal na radio drama na hinding-hindi makakalimutan. Ito ay mula sa orihinal na konsepto at panulat ni PEDRO "PED" TIANGCO. Mga taong 70's ng ito ay unang umere sa DZRH. Isang istoryang pantasya ito tungkol sa isang batang prinsipeng si Zimatar na ang kaharian ang sinakop ng mga kalabang kaharian kasabwat ang mga masasamang elemento. Bumagsak ang kaharian at kinuha ang kaniyang inang Reyna ng masamang engkanto at ginawang isang bruha sa katauhan ni ENG-ENG.
Sa kabila ng kabataan ni Zimatar ay hinanap niya ang nawalang ina. Doon nag-umpisa ang kaniyang iba't ibang pakikipagsapalaran. Sari saring nilalang ang kaniyang nakasagupa. Sa kaniyang paglalakbay ay isang engkantadang si Shintara ang nagbigay sa kaniya ng isang espada na kapag isisigaw ng pangalan ng enkantada ay naglalabas ng nakasisilaw na liwanag na maaaring mabulag ng mga kalaban. Mayroon din siyang isang mahiwagang balabal na kapag itinalukbong ay maglalaho siya....nakalilipad din siya sa pamamagitan ng isang uri ng dahon...dahon ng Dapad na lumalaki upang maging sasakyang lumilipad. Kasama niya sa kaniyang paglalakbay ang kaniyang alagang kabayo.
Umabot ng mahigit na dalawang dekada ang Zimatar...na talagang sinubaybayan ng mga bata. Nakatatawa ngang isipin na naging binata na ang mga dating bata na sumusubaybay sa Zimatar pero hindi naman lumaki ang karakter nito. Gayunpama'y patuloy itong sinubavbayan...kasama na ako sa tumangkilik dito.
Ang karakter ni Zimatar ay binigyang buhay ni Eloisa Cruz Canlas...na siya ring Eng-eng!
Isinapelikula rin ito noong taong 1982, sa pamamahala ni Larry Santiago at Direksiyon ni Ric Santiago at Jose Flores Sibal. Ito ay pinagbidahan ni JC Bonnin, kapatid ni Charlene Gonzales.
Nakatutuwang alalahanin ang ganitong radio drama na nagbigay ng maraming ala-ala sa atin...dahil ito naging bahagi ng kabataan ng marami sa atin. Mga kabataang naging karugtong ng buhay ang makinig sa mga radio drama noong mga panahong iyon....bilang isang uri ng libangan.
Bro. sa ang Zimatar sa paborito kong radio drama na umere sa radyo. Salamat sa pagbabalik tanaw mo sa dramang ito dahil nanumbalik sa akin ang nakalipas na ang radio drama ang isa sa pinagkakalibangan ko noong pakinggan.
ReplyDelete@ arman....welcome...ganda ng blog...lahat yata ng taga comics na feature mo na...pero si Amy Lince wala pa yata...writer siya!
ReplyDeletemay balitang kumalat dati na si zimatar daw ay patay na at ang sanhi ng kanyang kamatayn ay "namatay sa pagkabata"
ReplyDeletekung natatandaan pa po ninyo noon ang Zimatar at Tagani Drawing Contest nong 1978 kasabay po ng typhoon kading. Ako yung nanalo sa pa context na yon, 8 year old po ako noon at natatandaan ko po na ang price pa noon ay cetificate at isang kabang bigas. Hindi na po namin nakuha ng price dahil kasalukuyang sira ang mga daan sa amin dahil sa typhoon kading.
ReplyDeletename ko po Elito "Amangpintor" Circa (see wikipedia for reference)
di ko makakalimutan ang dulang ito... tuwing 12 ng tangahli hala nasa harap na ng radyo para makinig :)
ReplyDeleteNagkaroon din siya ng bagong kabayo na si Bagwis at espada na dating pagaari ni Gabaldon.
ReplyDeletezimatar, ang munting prinsipe na nang dahil sa kanyang kalikutan ay siyang sumagip at nagpatatag sa kanilang kaharian
ReplyDeletezimatar, isinilang upang kailanman ay ipagtanggol ang kabutihan laban sa kasamaan
zimatar, takbuhan at saklolo ng sino mang nangangailangan
nakakatuwang ispin bahagi ito ng ating kasaysayan.sa tuwing humahanpas ang makinilya ni mang ped tiangco tinatanong nya ko kung ano ang gusto kung mangyari sa naturang episode habang ako ay nasa tabi nya at akoy sampung taong gulang palang nuon.lumaki ako sa sala ng pamilya ng mga tiangco at naging sangap ng buhay ko ang Zimatar.
ReplyDeletesangkap ng buhay*
DeleteSa kwento ng aking tiyuhin ko na lng narinig ang zimatar.. isa rin syang writer.. sya si arsenio "arse salva" salvador!
ReplyDeleteNa alala ko noon pag zimatar na tahimik lng ako bta pa ako noon mga 4 yrs old.
ReplyDeleteElementary ako noon ayaw kong magbaon para makauwi at makinig muna ng zimatar. Haaay...
ReplyDeleteSino ba nman hndi makakakilala kay zimatar..sikat na sikat eto noon bata ako 70s..daming memories sa isang konsepto pa lamang pano pa yung gabi ng lagim na radio program din sa dzrh
ReplyDeleteUn pong Magnon? Bago po magZimatar kc iyon, elementary ako nuon,ang kalaban ni Magnon ay si haring Tagar..at may kabayo rin siyang puti..at naglalaho rin si Magnon...
ReplyDeleteNakakatuwa. Isipin ang kabataan nuon.kahit naliligo ako sa ilog uuwi para makinig ng zimatar
ReplyDeletediko malilimutan yan Magnon at Zimatar
ReplyDeletepagdating ng tanghali iisa lng ang maririnig momg istasyon ng radyo DZRH nakatutok lahat isama mo n jan ung Mr. Lonely ni idol Victor Wood kasama nya c Rey (Skies) Langit
well bago kami pumasok SA hapon nakikinig Muna kami Nyan paborito Kong karacter voice c ELOISA CRUZ CANLAS AT C SIR GREG ARNALDO 1970 PO AKO IPINANGANAK ALCALA PANGASINAN at siyempre c ENG ENG ESTRELLA CUENSLER
ReplyDeleteSa tuwing uuwi ako para mag lunch from school, DZRH na agad para makinig ng Zimatar at Magnon. Yan ang kinalakihan kong pantaserye sa radyo. Adik na adik ako diyan noong bata pa ako. Pag nag Mr. Lonely na, kailangan nang bumalik sa school (walking distance lang kasi.) :). Wala kayang naitagong backup para mapakinggan ulit yang mga drama na yan? gawing Mp3 at gawing podcast? Salamat po sa inyong blog.
ReplyDeleteCORRECTION:Si JC BONNIN ay PINSAN ni Charlene Gonzales...ANG KAPATID NI CHARLENE A
ReplyDeleteY SI RICHARD BONNIN...
Sinubaybayan ko ang Magnon, Zimatar at Tagani sa DZRH.
ReplyDeleteHello,,,hahaha,,,kapanahunan ko lahat yang mga drama na yan,,nakakamiss,,,pwede ba naming mapakinggan uli,,,zimatar,,tagani,,,negra bandida,,,,tàpos yung may sapang bato sa tittle,,,hahaha,,,marami pa,pati yung Sa ngalan ng pag ibig,,,,hay,,,màraming kilig story yun,,,,
ReplyDeleteAsk ko lang po Shintaro or Gavaldon yung sinisigaw ni Zimatar?
ReplyDeleteHindi ko malilimutan Ang zimatar at si eng eng love to bring back the past bilang Batang mosmos na nakikinig ng drama sa radyo.
ReplyDeletesa leyte alas syete ng gabi namin napapakingan yan sa DYVL sister station ng DZRH kasama mga kababata at mga pinsan...
ReplyDeleteAko si dante dela cruz ako ang nag drawing nyang taong 70's bata pa ako non nung ginawa koyan, sinabi nilang sino nag drawing ng zimatar, ayoko magpakita dahil natatakot akong magpakilala, kasi iniisip ko noon ikukulong nila ako, kasi wala akong pinag aralan, kung buhay pa ang producer nyan, maalala nya na saken yan pinagawa, mtanda na ako ngayon, ngayon kolamg naikwrnto sa anak ko, hindi sila naniniwala kaya pina search ko dito sa google, nandididto parin pala talaga, akala ko wala nato, kaya nung na search ng anak ko natuwa ako, kasi nag bunga pala talaga yung comics na ginawa ko noon, siguro kung nagpakilala ako at d ako natakot, kilala sana ako bilang isang taing nag drawing netong zimatar
ReplyDeleteBilang isang taong taga drawing ng zimatar
DeleteI am writing a content about Zimatar in my Youtube channel Red Martin TV this coming June or July, 2024. May nakakaalam ba dito kung ano ang pangalan ng kaharian ng ina ni Zimatar na si Reyna Sharina?
ReplyDeleteKung di ako nagkakamali ang original na manunulat ng "Zimatar" ay Cebuano. Sa Cebu una kong napakinggan ito pati ang "Mga Mata ni Angelita" na isinulat ni Feliciano. Balita ko dinala na lamang ito sa Manila.
ReplyDelete