
Thursday, February 17, 2011
ZIMATAR (1970's)

Sunday, February 13, 2011
ITO ANG PALAD KO (Drama Program)

Mga nasa larawan , gawing likuran, Boboy Salonga (Musical Scorer), Eric Lucero (Recording Tech.), Nick De Guzman (Director/Talent), Leonel Benjamin, Jun Legaspi, Tony Angeles. Gawing unahan , Manny Salas (Soundman), Elba Abanco, Rossana Villegas at Vilma BorromeoThursday, July 9, 2009
KASAYSAYAN SA MGA LIHAM KAY TIYA DELY

Mga nasa larawan, Nakaupo-TV/Movie Veteran actress Ester Chavez na talent din ni Tiya Dely, Nakatayo mula sa kaliwa, Nick De Guzman, Didit Marasigan, Susan Robles, Rashida Elba Abanco, Lionel Benjamin, Eric Lucero (Recording Tech.), Buboy Salonga (Musical Director), Nasa gawing likuran- Manny Salas (Soundman), Jun Legaspi, Tony Angeles, Rosanna Villegas at Didi Belonio (anak ni Tiya Dely).
Isa sa pinakamatagal at kung ilang dekada ng sumasahimpapawid na drama sa radio ay ang programang....MGA KASAYSAYAN SA MGA LIHAM KAY TIYA DELY. Kahit wala na ang ating minamahal at hinahangang si Tiya Dely o FIDELA MAGPAYO sa tunay na buhay ay patuloy pa rin ang kaniyang programa upang magbigay ng aliw...magbigay ng payo sa mga tagapakinig na mayroong suliranin. Ito ay pinangangasiwaan ngayon ng kaniyang nag-iisang anak na babae na si Didi Magpayo Reyes Belonio.
Batang paslit pa lang ako'y napapakinggan ko ang programa ni Tiya Dely dahil ang aming pamilya ay libangan ang pakikinig ng mga radio. Kaya naging bahagi na rin ng aking buhay habang ako'y lumalaki ang pakikinig ng radio drama at isa na nga sa nakahiligan kong pakinggan ay ang programa ni Tiya Dely.
Hindi ko akalain na sa aking paglaki ay makakaharap ko ng personal si Tiya Dely at maging ako ay mapapayuhan din niya. Nangyayari ito kapag kami'y nagkakausap noong nabubuhay pa siya! Sapagkat mapalad ako na naging bahagi ng kaniyang programa bilang isa sa contributing writer ng kaniyang programa. Mula sa mga napakaraming sulat na pinadadala sa kaniya...isa ako sa nagsasalin ng kasaysayan upang ito'y maging script na gagamitin sa programa.
Kaya malaking karangalan para sa akin na naging bahagi ng programa ni Tiya Dely at nakasama ang mga magagaling na radio drama talents sa programang ito!
Sunday, June 28, 2009
MGA KUWENTO NI LOLA BASYANG
Kapatid ng Tatlong Maria
Ang Prinsipe ng mga Ibon
Ang Mahiwagang BiyulinFriday, June 12, 2009
Remembering ...BARYO BALIMBING
Nasa larawan ako...si Christian, at ka Marlou Ruallo kasamahan naming voice talent at si Ka Manding De Guzman. (writer /Director)
Ang Baryo Balimbing ay isang komedyang pang radyo na ilang taon din umere sa DZEC 1062khz AM Station mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 12:00-1:30PM. Sa programang ito ang lahat ay maaaring pag-usapan...dito tumatakbo ang istorya ng Baryo Balimbing na isang weekly series. Tinatalakay dito ang mga issue sa lipunan, showbiz at iba pa? Information sa iba't ibang bagay na may kabuluhan upang malaman ng mga listener. Subalit sa paraang komedya na kagigiliwan ng mga nakikinig. Ang Baryo balimbing ay pinamumunuan ni Chairman Dante played by Manding De Guzman na siya ring Director...kasama si Rose Nalundasan na isang magaling din na voice talent na gumaganap naman bilang Saling na asawa ni Chairman Dante. Kasama rin dito ang maraming talent...na may kani kaniyang nakatutuwang karakter na nagdaragdag ng rekado sa takbo ng mga pangyayari...na tunay na riot sa kalokohan at katatawanan. Nakaka miss din ang samahang nabuo ng mga talent sa programang ito...na talagang mahirap kalimutan. Isa ako sa writer nito kaya nakita ko ang samahang nabuo sa bawat sabadong recording ng nasabing radio drama...nakakamiss talaga...kaya lang ang lahat ay laging mayroong katapusan.