Isa sa BETTY ROXAS sa mga nakilala ko at inabutan kong drama talent ng mapasama ako sa Drama Production ng DZRH bilang contributing writer. Hindi matatawaran ang angking galing ni Mommy Betty (tawag ng mga talent sa kaniya). Hahangaan mo sa siya pagdating sa mga dramatic scene. Tiyak maibibigay niya ng 100 percent ang kailangang emosyon.
Natatandaan ko ng minsan manood ako ng kanilang recording...madadala ka sa bawat eksena...lalo na kapag tungkol sa pagpapakasakit ng isang ina para sa kaniyang minamahal na anak. Bubuhos ang luha at emosyon....at mararamdaman 'yon ng mga nakikinig.
Ilan sa mga naging matagumpay na Drama Serye na pinagbidahan ni Mommy Betty ay ang dramang YAYA MARIA, KAPAG LANGIT ANG HUMATOL at iba pa na parehong naisapelikula. Ang mga nabanggit na drama ay mula naman sa panulat ni Direk Salvador Royales.
Kahit may edad na si Mommy Betty... patuloy siyang bahagi ng DZRH drama dahil alam ko na ito na ang kaniyang buhay...at iba ang kaligayahang naidudulot nito sa kaniya. Isa sa dramang nasa ilalim ng kaniyang direksiyon ang HINDING HINDI KO MALILIMUTAN at isa ako sa writer nito. Nagbibigay din siya ng payo at pointers sa mga baguhan.
Mabait at mababang loob si Mommy Betty... ito ang pagkakilala ko sa kaniya!
One of her unforgettable role i heard over the radio was "NEGRA BANDIDA" together with Luz Fernandez as Bertang Bala.
ReplyDeleteI'm a fan of ms, Betty Roxas subra, Mula pa sa negra bandida
ReplyDeleteLove it..negra bandida..bilang LAILA...
ReplyDeleteAng natatandaan kong gumanap at bida sa dulang "YAYA MARIA" noong dekada 80 ay si MARILOU ALIPIO.
ReplyDeleteAng pagkakaalala ko noon ang gumanap na" YAYA MARIA "ay si Marilou Alipio, kasama rin naman doon sa cast ng mga drama talent sa dramang 'yon si Betty Roxas na kasama sa pinagbidahan ni Ms. Betty Roxas ay" Kapag Langit Ang Humatol", " Mundo Man Ay Magunaw " at " Negra Bandida " atbp.
ReplyDelete