Sunday, March 13, 2011

MIKE PEREZ (Radio Drama Talent)

Si Mike Perez nasa kanan, kasama niya ang iba
pang radio drama talents sina Phil Cruz, kaliwa
at si Ben Mercado, nasa likuran.

Si MIKE PEREZ ang nasa likod ng nakakatakot na halakhak at voice over sa into ng Drama Program na GABI NG LAGIM. Kakaiba ang kaniyang boses dahil buo ito na bagay na bagay para manakot! Sa aking pakikipag-usap sa kaniya siya rin pala ng gumanap sa karakter na TAGANI...isang Drama sa DZRH noong 80's na inspired sa Tarzan ng ibang bansa.



Nakakatuwa ang karakter niya bilang si Tagani...na aking kinagiliwan magkasunod sila ni Zimatar.



Madaling lapitan at mababang loob si Kuya Mike. Kahit noong nag-uumpisa pa lang ako sa DZRH...isa siya sa nakakakuwentuhan ko hindi lang sa tungkol sa drama kundi maging sa personal ding buhay.



Nahahawig ang laki ng kaniyang boses kay Ben David. Iyon nga lang magkaiba ng paraan ng paggamit nila ito. Bukod sa pagiging narrator ng Gabi ng Lagim, siya rin ang Narrator ng programang Hukumang Pantahanan na parehong umeere sa DZRH AM band. Gumanap din siya sa iba pang mga drama.



Kaya kapag narinig n'yo ang nakakatakot na voice over sa Gabi ng Lagim na mapapakinggan din sa entrance ng GAbi ng Lagim Horror House sa STAR CITY...siya si Mike Perez!

Monday, March 7, 2011

BETTY ROXAS (Veteran Radio Drama Talent)


Isa sa BETTY ROXAS sa mga nakilala ko at inabutan kong drama talent ng mapasama ako sa Drama Production ng DZRH bilang contributing writer. Hindi matatawaran ang angking galing ni Mommy Betty (tawag ng mga talent sa kaniya). Hahangaan mo sa siya pagdating sa mga dramatic scene. Tiyak maibibigay niya ng 100 percent ang kailangang emosyon.


Natatandaan ko ng minsan manood ako ng kanilang recording...madadala ka sa bawat eksena...lalo na kapag tungkol sa pagpapakasakit ng isang ina para sa kaniyang minamahal na anak. Bubuhos ang luha at emosyon....at mararamdaman 'yon ng mga nakikinig.


Ilan sa mga naging matagumpay na Drama Serye na pinagbidahan ni Mommy Betty ay ang dramang YAYA MARIA, KAPAG LANGIT ANG HUMATOL at iba pa na parehong naisapelikula. Ang mga nabanggit na drama ay mula naman sa panulat ni Direk Salvador Royales.


Kahit may edad na si Mommy Betty... patuloy siyang bahagi ng DZRH drama dahil alam ko na ito na ang kaniyang buhay...at iba ang kaligayahang naidudulot nito sa kaniya. Isa sa dramang nasa ilalim ng kaniyang direksiyon ang HINDING HINDI KO MALILIMUTAN at isa ako sa writer nito. Nagbibigay din siya ng payo at pointers sa mga baguhan.


Mabait at mababang loob si Mommy Betty... ito ang pagkakilala ko sa kaniya!