Isa sa magaling ding drama talent si Chiquit Del Carmen-Amor, 1979 siya ng magsimula hindi bilang radio drama talent kundi bilang bit player sa mga TV soap opera at pelikula. Una siyang naging extra sa ANNALIZA...isang soap opera na pinagbibidahan noon ng child star na si Julie Vega . Lumabas din siya sa mga pelikula ng Regal Films....ilan dito ang SCHOOL GIRLS at iba pang pelikula nina Snooky at Maricel Soriano.
Sa pagpasok niya sa pelikula...naging daan na rin ‘yon upang maging bahagi din siya ng radio drama. Naging dramatista siya sa radio station na DWWW 630 ang karibal ng DZRH pagdating sa mga radio drama...at dito niya nakasama ang ngayon ay Vice Presidente na si G. NOLI DE CASTRO na noo’y announcer ng live drama na...Operetang Tagpi-tagpi.
Kinuha rin siya ni Tina Loy para naman sa programang...Kaluskos Musmos sa radio at Munting Pangarap...dito naman niya nakasama ang magaling na drama talent na si Vilma Borromeo na nagsisinula pa lang din ng panahong ‘yon.
Hanggang sa dinala na siya ng kapalaran sa DZRH...para naman sa dramang ITO ANG PALAD KO ng VG Productions. (Virgilio Garcia). Isa sa hindi niya malilimutang drama program ay ang MATUD NILA dahil nakasama niya rito si Ms. SUSAN ROCES.
Isa si Ate Chiquit sa maaashan pagdating sa di-kalidad na pagganap. Dahil binibigay niya ang lahat ng makakaya niya. Down to earth din siya at madaling lapitan at pakibagayan.

Hi there!
ReplyDeleteNasan, na si Chiquit Del Carmen ngayon? She was my close friend in college.
pag baguhan ka sa radyo, di maiiwasan minsan ang makagawa ka ng kapalpakan.bagung-bago pa ako noon nang pagsulatin ako sa Mr.Romantiko, pang-isang lingguhang drama sa RH-- at isang kapalpakan ang nagawa ko. Nakalimutan kong ilagay sa cast ang pangalan ng isang karakter,kaya medyo nagkalituhan nang inire-record na 'yung drama.
ReplyDeletenagalit ang direktor, si Ms.Luz Fernandez.
Masakit magbigay ng komento si Ms. Fernandez, talagang SUSUGAT sa damdamin ng isang writer. pero sugat na pag naghilom na'y magpapatalas pala sa panulat ng isang manunulat.
anyway,si Chiquit Amor ang unang-unang NAKIRAMAY sa akin. tandang-tanda ko,nilapitan niya ako at ibinulong sa akin:"Wag mong pansinin... ganyan lang si Ditse."
Hindi na kami nagkakasama ni Chiquit Amor sa programa dahil sa munting problema ko sa RH. And I miss her!
alex areta