Isa sa may pinakamagandang boses sa DZRH Radio Drama ay si Roberto “Bobby” Cruz. Buo ang kaniyang boses na totoong iba ang dating sa mga tagapakinig. Siya ay kapatid ni Phil Cruz na isa rin sa hinahangaan kong radio drama talent dahil sa kaniyang galing.
Masasabi kong nasa dugo na nila ang talento sa voice acting....dahil maging ang kanilang ama na Tani Cruz...dati ring magaling na radio drama talent at drama director.
Hindi lang sa radio drama ang pinagkakaabalahan ni Bobby...kundi maging ang paggawa ng mga radio commercials...ang pagda-dub ng mga anime. Isa sa anime na tumatak sa isip ko at litaw na litaw ang ganda at galing ng kaniyang boses ay ang “Dragonball” kung saan siya ang Narrator/ Voice Over nito.
Kahanga-hanga rin ang pagpapakuwela niya. Mula sa boses na lalaking lalaki at astig kung pakikinggan...magpapangiti naman ng nakikinig ang kaniyang pagganap bilang si Roma...ang baklang karakter niya sa Komedya-Satirika na “Ukay-ukay ni Manang Kikay” na mula sa panulat at Direksiyon ni Mr. Fundador Soriano.
ang masasabi ko, parehas na parehas dumiskarte sa mga 'raket' si Bobby Cruz, lalo na sa mga project sa labas ng DZRH.
ReplyDeleteMinsan na kaming nagkasama sa isang project sa labas ng RH, siya bilang director at ako bilang writer, at fair siyang lumaro.
Sa trabaho natin, lalo na kung tagadiyaryo ang makaka-deal mo, maraming 'hidden agenda' ang mga kontak bago makarating sa iyo ang project. Kumbaga, mumo na lang ang sa iyo. Magugulat ka na lang na kakarampot ang tinanggap mo, at 'yung middleman na wala namang ginawa ang tumiba ng malaki!
whew! that's life! he he!
Kay Bobby Cruz, saludo ako sa iyo Bossing!
alex areta
Hi!!!Pwede po bang makita ang ibang pics.nyo..Idol ko na po kc kayo simula ng elementary pa lang ako ,kayo ni Rosanna Villegas..God Bless po...
ReplyDeleteeverytime i hear his voice on radio i always see Mamuro of sailor moon in my mind. :>
ReplyDeletejc ignacio
Ang gwapo ng boses ni sir Bobby Cruz lalu na nung binosesean nya si Mamoru Chiba! Idol ko din si Gloria De Guzman na nag bose kay Sailor Moon! :D Nakaka miss na ngang marinig ang bose nya sa anime eh. Kaso ang kill joy ng Channel 2! pinalitan nila yung nagboses kay Sailor Moon!
ReplyDeletehindi na po kasi buhay si Gloria De Guzman ....pero parang may nabasa ako na kamag anak padin nya un nag boses sa abs cbn
Delete