Sunday, April 8, 2012

MARILOU ALIPIO (Drama Talent)



Pagdating sa role bilang isang arogante at matapobreng ina….tiyak epektibo kapag ginampanan ni Marilou Alipio. Mapalad ako na nakilala siya, na isa sa hinangaan kong dramatista. Naging paborito ko siyang gumanap sa mga script na aking sinusulat dahil sa buong puso at makatotohanan niyang pagganap. Kaya hindi matatawaran ang kaniyang angking galing sa larangan ng pag-arte sa radyo. Nakalulungkot nga lang na wala na siya. Halos anim na taon na rin ang nakalilipas mula ng iginupo siya ng kaniyang karamdaman. Gayunpaman ay di makakalimutan ang kaniyang pagiging bahagi ng Radio Drama na minsan ay binigyan niya ng kulay.

1 comment:

  1. Dito ko lang sila nakita, parte ng kabataan ko ang DZRH radio drama. Tumatak sa isip ko ang pangalan ni Ms. Marilou Alipio. Sayang at ala ala na lamang ang kanilang naiwan. Mga hinahangaan kong dramatista, Eloisa Cruz Canlas, Marilou Alipio, Betty Roxas, Lolit del Mundo, Rosanna Villegas, Marichu Villegas, Susan Lemon, Loida Damondon, Ester Chavez, Estrella Kuenzler, Susan Robles, Raquel Montesa, Eddie Legaspi, Mike Perez, Greg Arnaldo, Nick De Guzman, Leonel Benjamin, Jun Martin Legaspi, Phil Cruz, Bobby Cruz, Joey Galvez, Dante Castro, Tony Angeles at marami pang iba.

    ReplyDelete