Isa sa magaling na radio drama talent ng DZRH drama program si Susan Lemon. Asahan na ang bawat karakter na ibibigay sa kaniya ay mabibigyan niya ng buhay...maging batang babae, batang lalaki....matanda, kontrabida at siyempre bida! Nagtataglay siya ng magandang boses na kaibig-ibig pakinggan.
Ayon kay Ate Susan taong 1979 ng siyang mag simula sa radio. Nag-audition siya sa DZRH na pinangangasiwaan ang Drama Production ng panahong 'yon ni Mr. Froilan Villegas at ni Mely Tagasa. Mapalad naman na nagustuhan siya at napasok sa grupo. Subalit tulad ng ibang mga radio drama talent...nag-umpisa rin sila sa mga single lines...at wala pang bayad 'yon.
Subalit ang lahat ng pagtitiyaga ay nagkakaroon ng magandang bunga. Ayon sa kaniya may pamagat na "DAMBANA" ang kaniyang unang drama program.
Isa siya ngayon na madalas gumaganap sa lead role ng iba't ibang radio drama sa DZRH. Kung saan mapapakinggan ang kaniyang galing sa voice acting. Bukod pa rito'y gumagawa rin siya ng mga radio commercials, nagdu-dubbing din siya sa mga Koreanovela at anime na ipinapalabas sa telebisyon. Bukod doon minsan ay nagiging talent din siya sa mga drama program sa telebisyon. Kaya versatile na masasabi si Ate Susan Lemon....radio man o TV na-penetrate niya.
Mabait na kaibigan si Ate Susan....madaling lapitan at nagbibigay ng opinyon sa aking mga isinusulat na script.
Ilan sa mga programa niya ngayon sa DZRH ay...Dolorosa, Crisanto Salvador, Romantiko, at iba pa! Maaaring bisitahin ang kaniyang Friendster account...para sa iba pang impormasyon tungkol sa kaniyang trabaho at nais kumuha ng kaniyang serbisyo.
Bro, natutuwa ako dahil nakikilala ko sa blog mo ang mga mahuhusay nating drama talent sa radio. Ang totoo, isa rin ito sa pinuntirya ko noong pasukan. Sumama ako sa maraming nag-audition noon sa DZXL na noon ay nasa gawing Lyceum pa at si Mr. Augusto Victa ang nag-conduct ng audition sa amin. Minalas na di ako nasama sa nakapasa dahil palpak yung naka-team kong babae. Katunayan, ang komiks ang sinasabi nilang pagpraktisan naming basahin dahil sa mga dialogue na meron sa komiks. Isa iyon na hindi ko malilimot na naging experience ko. Anyway, sa komiks scriptwriting naman ako nalinya na isa pa sa gusto ko rin. Masuwerte ka dahil bukod sa komiks, naranasan mo namang magsulat sa radyo. Keep up the good work bro and thanks for sharing some info about radio at sa mga taong involved dito. Kahit marami ng TV, hindi ko pa rin nalilimutang makinig ng radyo, specially, ng mga drama sa DZRH, nakapagpapabalik ito ng mga alaalang napakasarap gunitain, gaya rin ng komiks.
ReplyDeletepag isa si susan lemon sa nasa cast ng dramang susulatin mo, mas magaan sa writer na makapagdagdag ng tauhan dahil marami siyang nagagawang boses.
ReplyDeletealex areta
gusto ko po sana magtanong kung may mga auditions po ngayon para sa voice talent. bata pa po ako, fan na po ako ng mga drama sa radyo at ng mga taong nasa likod nito. lalo na po sa DZRH. meron po akong kaunting background sa theater na sa tingin ko po ay makakatulong sa akin sa pagsisimula ko. actually, di ko po alam kung paano ako makakasali..kaya nagcomment nalang ako dito..nakakapanghinayang lang po sa parte ko dahil hindi na ako makakaroon ng chance mameet si tiya dely. super fan nia po ako! maraming salamat po. ito po ang e-mail add ko --- eva-madera25@yahoo.com
ReplyDeletei love susan lemon..ang ganda ganda ng boses niya,,,parang ang hinhin,,at ang ganda sa tenga ng boses niya
ReplyDelete