Tuesday, July 7, 2009

VILMA BORROMEO (Radio Drama Talent)




Isa sa nakilala ko at totoong hinahangang radio drama talent ay si Vilma Borromeo..."Vi" kung tawagin ng mga kaibigan niya. Tunay na kahanga-hanga ang kaniyang kakayahan sa voice acting. Kung makikita mo siya sa recording room tila baga isang bata lang dahil sa pagiging petite niya. Pero pag-on mike na siya para sa kaniyang papel na gagampanan sa radio drama mapapahanga ka.

Mabait at down to earth...low profile si Vi. Madali siyang e-approach at makakuwentuhan. Kung baga...wala siyang ere. Bagay na magiging at ease ang sinuman sa pakikipag-usap sa kaniya. Iyon ang na-obserbahan ko mula ng una ko siyang makilala at makasama sa trabaho sa DZRH drama production.

Bukod sa pagiging busy sa radio drama...ang kaniyang magandang boses ay mapapakinggan din sa mga anime na ipinalalabas sa TV. Marami na rin siyang nagawang koreanovela at anime. Dahil ang pagda-dubbing ay isa rin sa kaniyang pinagkakaabalahan. Subalit ang siyang tumatak sa akin na hindi makakalimutan, ang ang pagbibigay niya ng boses sa character ni " PRINCESS SARAH". Ang japanese animated series na base sa classic novel na ipinalabas sa ABS-CBN. Siya ang nasa likod ng tagalized version nito...na boses ng isang mabait, malambing at bibong batang babae.

Siya rin ang naglapat ng boses ni Annie...ang mama ni "CEDIE" Ang Munting Prinsipe. Isa ring Japanese animated series na kinagiliwang panoorin ng mga bata sa ABS-CBN at marami pang iba.

Totoong nakatutuwa at kahanga-hanga ang kaniyang kakayahan bilang voice talent. Ang pinakagusto ko ay ang pagbibigay buhay niya sa karakter ng isang bata...maging babae man ito o lalaki.

Sa ngayon...ang mga programa niya sa DZRH kung saan maririnig ang kaniyang galing sa voice acting ay ang....UKAY-UKAY NI MANANG KIKAY...mula sa Direksiyon ng batikang writer -director na si Mr. Fundador Soriano. Kasama rin siya sa ITO ANG PALAD KO....at ilan pang mga drama program.

7 comments:

  1. isa rin si vilma borromeo na nakilala ko nang magsimula akong magsulat sa radyo. palangiti, nagbibigay ng tips kung paano mai-improve ang aking estilo.
    nang magkaroon kami ni Ka Badong, dzrh drama manager, ng problema, isa si vilma sa nagsabi sa akin na kausapin ko. hindi na puwede, nakaharang na ang pride, ang isiping magsu-srrivive ako nang wala si Ka Badong. he he.
    at para ngang blessing in disguise pa ang nangyari. may nasarhan mang pinto, sa akin ay may nabuksan namang mga bintana ng bagong pagkakataon.
    bilib ako sa blog mo, bro. keep it up!

    alex areta

    ReplyDelete
  2. maraming maraming salamat po sa inyo. July 2009 pa pala ito pero ngayon ko lang nalaman ito at nabasa. na search ko lang sa net.

    salamat ng marami at napasaya nyo ako.
    Vilma Borrome-Estillore

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ate Vi, nag asawa ka na ba? Ako yun naging friend mo sa K-Love DWSS 1494 kHz noong early 90s. Hindi kita mahanap sa Facebook.
      PRINCE EAGLE (https://www.facebook.com/jim.legaspi)

      Delete
  3. alam mo ms.vi ang ganda po ng voice nyo sa radio hanga po ako sa voice nyo sana po mameet ko kayo in person isa po kayo sa favorite kong drama talent sa dzrh lagi ko po kayong pinakikinggan at sinusubsybayan...happy valentines nga po pala...god bless you po at ingat po kayo lagi....

    ReplyDelete
  4. ang ganda ng boses mo remelyn isa ako sa mga tiga hanga nyu ako nga pala si ryan labastida isa sa laging nakikinig ng programa nyu sa dzrh tuwing tanghali

    ReplyDelete
  5. hi hello po mam vi ganda ng voice nyo s princess sarah kahit lalake aq ito ang pinakafavorite anime ko khit ult ultn q d aq mgssawa kht mhgit 20 nq nkkainlove ang batang si princess sarah sana kng sakaling mkpgwork aq s pgdudubing mktrbho q sna kau kzi kya q dn gyahin mga character s princesp sarah,lottie,becky,peter,ms.minchin. pti spongebob cast at iba pa.

    ReplyDelete
  6. I Wish to meet Ms.Vilma Borromeo in Flesh .. I am her no.1 Fan when it comes to voice Acting.. Pangarap ko na maging kasing husay nya din sa larangan ng pag dudubb at pagdrama sa radio.
    I Love her Voice, And i think she also have a Good Personality. Gustong gusto ko ang pagbibigay tinig nya sa paborito kong Classical Japanese Anime na " A Little Princess Sara" Superb!!! Sana may chance na maka real talk ko sya :-(

    This is my Email Address : FACEBOOK ( Chikuzayurii@yahoo.com)
    More Blessing for you idol !! ^^

    ReplyDelete