Sunday, February 7, 2010

ROBERTO "BOBBY" CRUZ (Voice Talent)





Isa sa may pinakamagandang boses sa DZRH Radio Drama ay si Roberto “Bobby” Cruz. Buo ang kaniyang boses na totoong iba ang dating sa mga tagapakinig. Siya ay kapatid ni Phil Cruz na isa rin sa hinahangaan kong radio drama talent dahil sa kaniyang galing.

Masasabi kong nasa dugo na nila ang talento sa voice acting....dahil maging ang kanilang ama na Tani Cruz...dati ring magaling na radio drama talent at drama director.

Hindi lang sa radio drama ang pinagkakaabalahan ni Bobby...kundi maging ang paggawa ng mga radio commercials...ang pagda-dub ng mga anime. Isa sa anime na tumatak sa isip ko at litaw na litaw ang ganda at galing ng kaniyang boses ay ang “Dragonball” kung saan siya ang Narrator/ Voice Over nito.

Kahanga-hanga rin ang pagpapakuwela niya. Mula sa boses na lalaking lalaki at astig kung pakikinggan...magpapangiti naman ng nakikinig ang kaniyang pagganap bilang si Roma...ang baklang karakter niya sa Komedya-Satirika na “Ukay-ukay ni Manang Kikay” na mula sa panulat at Direksiyon ni Mr. Fundador Soriano.

ROSANNA VILLEGAS (Versatile Voice Actress)


Isa sa hinahangaan kong radio talent na totoong napakahusay ay si Rosanna Villegas...dahil tunay na nabibigyan niya ng hustisya ang bawat role na kaniyang ginagampanan.

Nag umpisa siya sa radyo noong may 21 1981...3rd year college siya nuon sa kursong Mass Comm sa St.Joseph College sa Q.C. at practicumer siya sa dating Broadcast City O DWWW 630Khz AM Band ng unang nasalang na extra sa drama. Doon niya unang nakilala sina Rolly Padilla at Jun Manalo na parehong magagaling na radio drama talent na parehong yumao na.(Nakasama ko rin ang dalawang nabanggit na talent sa DZEC at nakapalagayang loob). Hindi rin nakapagtataka na mapunta sa larangan ng radio drama si Ate Osang..dahil ang tatay niya na si Froilan Villegas ay naging program manager ng dzrh drama production na noon ay nasa Arlegui St., Quiapo. Dahil nga nalaman ng tatay niya na nagpapracticum siya sa DWWW isinama siya ng kaniyang tatay tuwing may recording ito ng Isang Dipa Langit kung saan siya ang Director,sa SCC (sa may CFA) na nasa Sta Mesa.

Una siyang isinama sa Casting ng drama ng namayapang si Julie Fe Navarro...hindi siya dumaan sa audition dahil anak siya ng isang Radio Drama Direktor. Pero pinagbuti niya ang bawat role na ibinibigay sa kaniya para walang masabi ang ibang talent. Dahil nga may given-talent naging madali sa kaniya ang lahat. Napasama nga siya sa dramang Huwad na Buhay, Sa Lilim ng Ninikat na Araw, Zimatar,Forbes Park, Matudnila at iba pa.Taong 1983 nasalang naman siya sa Movie Dubbing at unang pelikulang nai-dub niya ay Uod at Rosas. Mula nuon sunod sunod na mga dubbing niya ng mga Pelikula na madaling araw na uwian. Kadalasan siya ang nagbo-boses ng mga bida tulad nina Sarsi Emmanuel,Emily Loren, Stella Strada,Joy Sumilang,Stella Suarez jr. (panahon ng mga sexy/bold movie nuon at talagang namamayagpag sa takilya) Nai-dub rin niya ang mga pelikula ni Snooky, Maricel S.,Rio Locsin. Maging ang pag-arte sa telebisyon ay napasok niya..ilan sa mga TV program ay ang Buhay at Patnubay sa RPN 9 hosted by Estrella Kuenzler, Coney Reyes On Camera, Panahon ni Susan Roces. Hanggang sa pati sa pelikula ay napasama siya ilan sa mga movie na nilabasan niya ay...Tatlong Ina Isang Anak, Working Girls (Ishmael Bernal), Perfumed Garden (Celso Ad Castillo) White Slavery (Lino Brocka) Maging Commercial Voice Over sa Radio, Tv, Anime Dubbing ,Asian Novelas. Talagang malayo na ang narrating si Ate Osang gamit ang kaniyang nagking talent at talaga namang pinagbubuti niya. Isa ako sa makapagpapatunay...ang totoo nga fan niya ako at naaaliw sa kaniyang mga role na ginagampanan sa mga asian novellas na napapanood ko.

Maaaring bisitahin ang web site na http://www.lapattinig.com/ para sa iba pang information tungkol sa kaniya.