Sunday, February 7, 2010

ROSANNA VILLEGAS (Versatile Voice Actress)


Isa sa hinahangaan kong radio talent na totoong napakahusay ay si Rosanna Villegas...dahil tunay na nabibigyan niya ng hustisya ang bawat role na kaniyang ginagampanan.

Nag umpisa siya sa radyo noong may 21 1981...3rd year college siya nuon sa kursong Mass Comm sa St.Joseph College sa Q.C. at practicumer siya sa dating Broadcast City O DWWW 630Khz AM Band ng unang nasalang na extra sa drama. Doon niya unang nakilala sina Rolly Padilla at Jun Manalo na parehong magagaling na radio drama talent na parehong yumao na.(Nakasama ko rin ang dalawang nabanggit na talent sa DZEC at nakapalagayang loob). Hindi rin nakapagtataka na mapunta sa larangan ng radio drama si Ate Osang..dahil ang tatay niya na si Froilan Villegas ay naging program manager ng dzrh drama production na noon ay nasa Arlegui St., Quiapo. Dahil nga nalaman ng tatay niya na nagpapracticum siya sa DWWW isinama siya ng kaniyang tatay tuwing may recording ito ng Isang Dipa Langit kung saan siya ang Director,sa SCC (sa may CFA) na nasa Sta Mesa.

Una siyang isinama sa Casting ng drama ng namayapang si Julie Fe Navarro...hindi siya dumaan sa audition dahil anak siya ng isang Radio Drama Direktor. Pero pinagbuti niya ang bawat role na ibinibigay sa kaniya para walang masabi ang ibang talent. Dahil nga may given-talent naging madali sa kaniya ang lahat. Napasama nga siya sa dramang Huwad na Buhay, Sa Lilim ng Ninikat na Araw, Zimatar,Forbes Park, Matudnila at iba pa.Taong 1983 nasalang naman siya sa Movie Dubbing at unang pelikulang nai-dub niya ay Uod at Rosas. Mula nuon sunod sunod na mga dubbing niya ng mga Pelikula na madaling araw na uwian. Kadalasan siya ang nagbo-boses ng mga bida tulad nina Sarsi Emmanuel,Emily Loren, Stella Strada,Joy Sumilang,Stella Suarez jr. (panahon ng mga sexy/bold movie nuon at talagang namamayagpag sa takilya) Nai-dub rin niya ang mga pelikula ni Snooky, Maricel S.,Rio Locsin. Maging ang pag-arte sa telebisyon ay napasok niya..ilan sa mga TV program ay ang Buhay at Patnubay sa RPN 9 hosted by Estrella Kuenzler, Coney Reyes On Camera, Panahon ni Susan Roces. Hanggang sa pati sa pelikula ay napasama siya ilan sa mga movie na nilabasan niya ay...Tatlong Ina Isang Anak, Working Girls (Ishmael Bernal), Perfumed Garden (Celso Ad Castillo) White Slavery (Lino Brocka) Maging Commercial Voice Over sa Radio, Tv, Anime Dubbing ,Asian Novelas. Talagang malayo na ang narrating si Ate Osang gamit ang kaniyang nagking talent at talaga namang pinagbubuti niya. Isa ako sa makapagpapatunay...ang totoo nga fan niya ako at naaaliw sa kaniyang mga role na ginagampanan sa mga asian novellas na napapanood ko.

Maaaring bisitahin ang web site na http://www.lapattinig.com/ para sa iba pang information tungkol sa kaniya.

3 comments:

  1. si Tita O!

    mukhang suplada sa unang kita mo, pero ang bait pala... lalo na pag ngumiti at lumitaw ang dimpol.

    ang di ko alam, ang may-ari pala ng boses na iyon na noon ay napapakinggan ko lang sa radyo ay siya palang tutulong sa akin para makapagsulat sa Maalaala Mo Kaya (sa DZMM).

    Nang magkaroon ako ng maliit na problema noon sa DZRH, pabiro kong tinext si Tita O. Sabi ko... heeelllppp, I'm jobless now!

    Don't worry, sabi niya. And a few days from then, I found myself in front of MMK director Josie Galvez... dahil nirekomenda ako ni Tita Osang.

    Gusto ko nga siyang kantahan: "Paano Kita Mapasasalamatan?"

    Pero alam ko, sasabihin niya: Korni ka ha!

    Kaya ang sasabihin ko na lang sa kanya... MWAAHHH!

    ALEX ARETA

    ReplyDelete
  2. paborito ko ang boses nilang dalawa ni Mr. Bobby Cruz, taong 1995 nang una ko silang napakinggan, i was 11 yrs old then, and simula noon lagi na akong nakikinig ng DZRH lalo na iyong "Ang tangi kong Pag-ibig at Matudnila. Ang ganda pla ni Ma'am Rosana. That time,iniimagine ko lang ang boses nila ni Mr. Bobby.

    ReplyDelete
  3. Kasagsagan ng pakikinig ko sa dzdh 1994 hanggang ngayon walang humpay..mabuhay ang dzrh..sana ibakik yung original station i.d ng dzrh...miss na miss ko mapakinggan iyon..

    ReplyDelete