Saturday, July 4, 2009

ALEX ARETA (Komiks and Radio Drama Writer)

Isang larawan na kuha sa tahanan ni Edna Diaz (naging misis ni Alex). Mula sa kaliwa gawing likuran , ako (ganie), Rose Ferrer, Edna Diaz, Gigi Masigla, Lot Mercado at Alex Areta. (Mga komiks Writer)



Isa sa dati kong kasamahan sa komiks si Alex...di matatawaran ang kaniyang kakayahan sa pagsusulat. Nang magsimula ako sa komiks...isa na siya sa mabentang writer dahil sa estilo ng kaniyang pagsusulat. May kalaliman ito at talagang merong nilalaman.

Ayon sa kaniyang mga kuwento sa akin naging editor din siya ng komiks ng MASS MEDIA PUBLICATION at hinawakan niya roon ang mga komiks na SAMURAI, 143 Komiks, at MURDER Komiks ng kung ilang taon, subalit mas pinili niya ang maging freelance writer ng mga panahon na kasikatan pa ng mga komiks.

Marami din siyang naisulat na pocket books....na alam kong nagpaibig at nagpakilig sa mga mambabasa. Kung nawala man ang pangalang Alex Areta sa mga cover ng Tagalog pocketbooks...di ibig sabihin noon ay di na siya nagsusulat. Patuloy pa rin siya subalit sa pangalang ALTHEA ARETA. Ginamit niya ang pangalan ng kaniyang nag-iisang anak na babae. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng isa ding dating komiks writer na si Edna Diaz.

Ngayong wala na ang komiks...hindi pa rin siyempre natatapos ang pagiging writer ni Alex dahil ang isang magaling na manunulat na kagaya niya ay laging merong mapupuntahan. Sumusulat siya ng serialized story sa tabloid at ilang horror magasin. Maging ang pagsusulat ng script sa radio drama ay napasok niya.. writer siya ngayon ng MAALALALA MO KAYA radio drama over DZMM. Maging sa ITO ANG PALAD ko ng DZRH under VG Productions kaya patuloy niyang ibinabahagi ang kaniyang talento sa larangan ng pagsusulat. Maririnig ang kaniyang mga isinulat na kuwento sa mga nabanggit kong radio drama program.

Mas lalo kung nakilala ang isang magaling na writer na si Alex Areta ng makasama ko siya sa pagsusulat sa radyo. Kahit mas nauna ako sa kaniya sa pagsusulat ng radio drama script masasabi kong kakaiba ang estilo ni Alex...bagay na kaniyang kaniya lamang.


2 comments:

  1. Thanks for featuring Alex Areta in your blog Bro. Bukod sa komiks, nakasama ko rin si Alex sa dati niyang pinagsusulatang pocket book publisher, at Atlas noong mga huling yugto na ng hininga ng komiks nila. Noong magkita kami ni Alex sa Komikon 2008 sa UP, nalaman ko na sa radio drama na nga siya nagsusulat pero ngayon ko lang nalaman na misis pala siya ni Edna Diaz na writer din dati. Ngayon ko lang rin nakita sa picture si Lot Mercado na nakikitaan ko rin ng kanyang mga sinusulat sa komiks noon at ang iniisip ko ay isang lalaki. Salamat Bro Ganie, marami akong nakukuha at napupulot na impormasyon sa iyo. Keep it up and God Bless You!

    ReplyDelete
  2. ganuuun? Yun lang po!

    ReplyDelete