Thursday, July 2, 2009

STUPID LOVE

Stuart Lingat Jr. ( nasa dulong kaliwa katabi ko)

First Issue ng STUPID LOVE BOOK


Sina Amelia Lince at Stuart Lingat Jr. , mga dati kong kasamang writer sa Komiks ang siyang pinagkatiwalaan ng ng PSICOM Publishing para sa first issue ng Stupid Love Book na binubuo at kalipunan ng mga nakakakilig na kuwentong pag-ibig. Ang bawat kasasaysayang nakasulat dito'y tunay na kasaranasan na pinagpaguran ng dalawang manunulat na buuin at pagsamasamahin. Binigyan nila ng konting anghang at tamis ang mga kuwento upang higit na maging maganda na aakma sa panlasa ng target readers.


Ang unang issue ng nasabing aklat at pure english. Subalit ng mga sumunod na issue ay naging taglish na ito ayon na rin sa kahilingan ng mga mambabasa upang higit na makuha ang puso ng Masa na dito'y tumatangkilik.
Mula sa pagsusulat ng mga kuwento sa komiks...kung saan na rin napadpad ng maalong dagat ng kapalaran ang dalawang manunulat na aking nabanggit. Si Amelia Lince na bukod sa pagiging abala sa pagsusulat sa mga libro ng PSICOM ay nagsusulat din siya ng radio drama script sa programang "Ang Pinagpapalang Sambahayan" na isinasahimpapawid sa DZEM AM Radio 995khz. Samanatalang si Stuart Lingat naman paminsan minsan ay nagsusulat pa rin ng sa tagalog pocketbooks at may isang maliit na negosyong inaasikaso ayon sa ibinalita sa akin. Ilang lang sila sa mga naging kasama kong komiks writer na hinanap ang ibang landas pagkatapos na tuluyang mawala ang komiks industry.

Gayunpama'y patuloy nilang ginagamit ang kanilang angking talino sa pagsulat sa ibang larangan. Sapagkat tunay na mahirap iwan ang pagsusulat dahil para sa akin ang pagiging manunulat ay wala lang sa isip lang ng tao...wala sa interes dahil kailangang kumita ng pera...kundi nasa dugo na bahagi na ng pagkatao na hindi basta maaalis at tuluyang maisasantabi.

Iwan mo man pansamanatala ang makinilya at itago sa isang kahon...kalimutan mo man ang pagtipa ng keyboard ng iyong computer...isang daan at isang porsiyento na babalikan mo ito upang isulat ang mga ideyang nabubuo sa iyong isipan...na nagbabakasakali na sa mga darating na araw ay mapakinabangan!

3 comments:

  1. Good day po!
    Im shy, development communication student from Central Mindanao University.

    May I ask the history and objectives of the said radio drama, "Ang Pinagpapalang Sambahayan".

    Salamat po...

    ReplyDelete
  2. hello...sassymagadan...di kasi ako nakapag-up date agad ng blog ko. kaya di ko nabasa ang comment mo. sana sa email ko na lang nag send ka ng message para nasagot agad kita.

    by the way thanks sa [pag visit mo sa blog ko.

    ReplyDelete