Si Didit Marasigan ...ay isa sa kasama kong radio drama writer sa DZRH. May sarili siyang tatak at atake sa pagsusulat. Iyon ang aking nakita sa kaniya. Masayang kausap at hindi maramot mag-share ng kaniyang kaalaman sa writing. Mas senior siya sa akin pagdating sa radio script writing kaya alam kong marami rin akong matututunan sa kaniya. Pero ang katotohanan ay hindi ang pagsusulat sa radio drama ang una niyang naging interes kundi ang pagiging radio drama talent.
Taong 1982...ayon sa kaniya ng magpadpad siya sa radio station sa Broadcast City kung saan naroon ang station na DWWW. Isinama siya roon ni Rose Tonido na isa ring drama talent. Nag-audition siya na maging radio drama talent kay Fely Salvahan, pinalad naman na makapasa at naging trainee. Doon niya unang nakita at nakilala si Vilma Borromeo at Chiquit Amor (mga radio talent din) Naging trainee siya sa radio dramang "Munting Pangarap" kung saan bida ang dating artista na si Lenny Santos at ang namayapang si Ben David ang direktor. Ayon pa sa kaniya takot na takot siya kapag nagkakamali dahil pinandidilatan siya ng direktor. Subalit naging hamon sa kaniya 'yon upang pagbutihin ang kaniyang ginagawa.
Sa radio station namang DWXI..na nasa Paranaque pa ang Station noon...ang nagbigay sa kaniya ng daan sa pagsusulat ng radio script sa pagtuturo ni Ben Clamosa. Ayon din sa kaniya naging malaking impluwensiya din ng estilo niya sa pagsusulat si Bernard Canaberal na dati'y isang Writer -Director din ng Drama sa DZRH.
Ayon kay Didit..."Destiny has paved the way for more opportunities!" Katunayan bukod sa pagsusulat ng radio drama sa DZRH...tulad ng Mr. Romantiko, Hinding Hindi ko Malilimutan at Mga Kasaysayan sa Liham kay Tiya Dely...nagsusulat din siya sa DZMM sa programang Maalaala mo Kaya. Translator din siya ng mga Anime TV-series at ilang Koreanovela.
Sa ngayon hindi na siya aktibo bilang radio drama talent kundi ang pagsusulat ng script at pagta-translate ang kaniyang pinagkakaabalahan. Mas gusto niya na sa bahay lang siya nagtatrabaho kasama ang kaniyang laptop computer upang magkaroon siya ng panahon sa kaniyang pamilya na mas binibigyan niya ng pagpapahalaga.
HI GANI..walang nag cocomment...kaya ako na lang ...hehehe...anyways...ive posted this page sa fb wall ko, so that those interested may also check out your own page...para di sayang ang efforts mo to create this one...TILL NEXT!
ReplyDeleteanother update on me:
ReplyDeleteResume na ang drama namin sa DWXI, where I first started to write. ang LIWANAG SA LANDAS NG BUHAY...so for now ang sinusulat ko lang ay GABI NG LAGIM sa DZRH, at ITO ANG PALAD ko.
Las Vegas, NV | CDC
ReplyDeleteThe pandemic has 하남 출장샵 seen more COVID-19 infections than expected in many 평택 출장마사지 U.S. states, and most of 전주 출장마사지 the states are in recovery. · Wynn 나주 출장샵 Resorts 파주 출장샵